Thứ Hai, 29 tháng 6, 2015

Ayala bridge bukas na!

Ayala Bridge. STAR/Edd Gumban
MANILA, Philippines – Binuksan na sa publiko ang Ayala Bridge matapos ang tatlong ulit na pagkakaantala nito.
Ayon kay Manila Vice  Mayor Isko Moreno, bagama’t partial opening pa lang ito dahil tig-isang linya lang sa northbound at southbound lane ang bukas sa mga motorista, malaking tulong na rin ito upang maibsan ang masikip na daloy ng trapiko sa ibang  lansangan.
Sinabi ni Moreno na sa Hulyo 23 ang kabuuang pagbubukas ng tulay dahil may ilang bahagi pa ng tulay ang hindi pa nasesementuhan.
Paalala pa nito, hindi pa maaaring dumaan ang mga truck at bus sa tulay.
“Nananawagan tayo sa ating mga kababayan na magagamit na po nila ang Ayala Bridge pero na­nanawagan kami na sana magdahan-dahan lang po at may mga barrier pa pong nakalagay sa magkabilang gilid,” ani Moreno.
Matatandaang Abril 21 ang naunang target date para buksan ang tulay na iniurong ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Hunyo 11 na hindi rin natuloy dulot umano ng pag-ulan.

Tags : Tayo Bus, Tayo Bus Season 2 Full Episode, Cartoon for children

Không có nhận xét nào:

Đăng nhận xét